Alinsunod sa DepEd Order no. 51 s. 2015 na maiwasan ang siksikan sa mga paaralan, plantsado at handa na ang timeline at roadmap ng Stand-alone Senior high school ng Lungsod ng Tagum na may layuning makapaghatid ng kalidad na edukasyon sa mas accessible na paraan sa mga mag-aaral ng Senior High School sa pagbubukas ng bagong academic year 2021-2022.
 
Highlight nito ang pag-aalok ng tatlong strand ng Academic Track na Humanities and Social Sciences (HUMSS), Accountancy Business and Management (ABM), at General Academic Strand (GAS) na inaasahang mas magiging malawak ang pasilidad at maghahatid ng kombenyenteng pagtuturo at pagkatuto dahil sa dalawang ektaryang proposed site sa barangay Madaum kung saan mangangasiwa at magiging adoptive school nito ang Jose Tuason Jr. Memorial National High School.
 
“We in the local government service have put a lot of efforts into pushing for more efficacious and operative system for education in our beloved city. Through realizing this project, it will accommodate a great number of students in the locality and provide them with wide space for varied activities and appropriate facilities that are conducive for learning, “ pahayag ni Mayor Allan L. Rellon mula sa kanyang opisyal na mensahe.
 
Gayundin, inaasahan namang malalampasan ng mga initiators ang mga hamon tulad ng alokasyon ng pondo, transportasyon, teknikal assistance, pagtukoy sa mga faculty at iba pa kaya naging positibo ang alkalde ng lungsod at ng mga lider sa edukasyon na isa itong matagumpay na hakbang sa paghubog sa kasanayan o skills ng mga kabataan bilang pag-asa ng bayan sa hinaharap.
Pinangunahan ang nasabing inisyatib sa pinagsanib na plano ng LGU Tagum sa liderato ni Mayor Allan L. Rellon at mga dating SDS Cristy Epe at Nelson Lopez kasama ang iba pa mula sa larangan ng edukasyon na ipinagpatuloy ngayon kasalukuyang SDS Josephine L. Fadul kasama ang iba pang dating initiator tulad ng dating Punong-guro ng Tagum City National High School (TCNHS) Dr. Judith P. Magsipoc.
 
“For me, this is a dream come true. Back then, I’ve always envisioned a learning space that would address the challenge of the congested population of TCNHS and the STAND ALONE SHS is the answer. As you can see, the school’s ballooning population hinders the learners to maximize the use of the school facilities. The realization of this dream would address not only their perennial problem, but it would also provide equal opportunities to all the JHS and SHS learners to enjoy and be nurtured in a more comfortable & conducive learning environment. At least, the learners would have something to look forward to when face-to-face class resumes. Indeed, hope still springs eternal amidst this pandemic,” pagbabahagi pa ni Dr. Magsipoc.
 
Samantala, habang nasa proseso ng pagsasakatuparan ang nasabing paaralan ng stand-alone Senior High School, magkakaroon ng blended learning ang mga mag-aaral at bilang bahagi ng kampanya ng ng proyekto ayon sa timeline, magkakaroon ng early registration sa mag-aaral, magpapatupad ng diseminasyon ng impormasyon, pagpaskil ng mga pabatid at iba pa.
 
Sa kabuuan, hinimok naman ni Mayor Rellon ang mga Tagumenyo sa lahat ng sektor ng lipunan na magkaroon ng patuloy na kolaborasyon at pagtugon sa mga isasagawang makabuluhang hakbang na makatutulong sa kabataan ng bayan.